St. Catherine of Siena SY. 2012-2013

by - Tuesday, March 12, 2013


(1...2...3... GO!)

Halika!
Dito, kahit siksikan ang gaan
Dito, ma-inip man ang gaan.
Kahit bored, may paraan.
Kahit pawisan, tawanan.
Kahit mag-isa ka man
Kayang-kayang gumaan!
Dito, ang gaan. Dito, ang sarap.
Mag-refresh tayong lahat.
Dito, ang gaan. Dito, ang sarap.
Palamig tayong lahat.


YAN! Yan ang theme song ng Siena :) nag simula yan nung natapos naming panuorin yung Liwanag sa Dilim na pinapanuod sa amin ni Sir. Zach tuwing CL time. Super saya nung unang araw na pinatugtog yan ni Sir. kase sabay-sabay namin yan kinanta tapos ang saya namin! Sabay may sumigaw na lang bigla ng "Oy! theme song na ng Siena yan ah!" Madaming na LSS diyan sa kantang yan. Kahit ibang subject na kinakanta pa din. Hanggang sa gumawa sila ng steps para diyan, kasama pa ang adviser namin na si Mrs. Ogania :D Tapos may plano pa na gagawan yan ng video kaso hindi natuloy kase.. di ko din alam XD Hahaha.
-
Ang St. Catherine of Siena ay kilala sa pinakamaingay at magulong section sa batch ng third year (ata? lol) Walang nakikinig kapag nag le-lesson ang ibang mga teachers (depende kase sa teacher) May mga sari-sariling mundo, chika dito, chika doon, CHIKA EVERYWHERE :) Nung una talaga hindi mo kami makikitang nag uusap ng mag kakasama. Halos lahat may kanya-kanyang grupo. Kanya-kanyang tawa ng mga grupo. Hanggang dumating yung punto na, homeroom na namin.. nag isip yung mga committees kung anong pwedeng gawin.. Sabi nila mag open forum daw kami. Edi yun na, sinabi na namin lahat ng ayaw namin na ugali sa classroom pati na din sa mga classmates. Simula nung araw na yon medyo hindi pa din ok.. may iba pa din na nag kakanya-kanya. Kaya hindi na lang pinansin nung iba.

BUWAN NG WIKA! Sabayang Pagbigkas para sa ikatlong taon.

Lumipas yung mga araw na nag bibigayan kami ng mga opinyon para sa kung anong gagawin sa presentasyon namin. Nag papakahirap sila lalo na sina Jerrah at Ate Jas para mapaganda ito. Pati na din si Ate Jacel na kapatid ni Ate Jas XD Mahirap nung una kase walang nakikinig, ang da-daldal nila super. Wala kaming "unity". Kailangan may magagalit pa para lang makinig sila -_- yan tuloy ang bilis nila namaos kakasigaw. Nung araw na ng presentasyon. Kinabahan kami nung nakita namin yung ginawa ng mga ibang section. Akala namin talo na kami kase ang gaganda nung sakanila (true) kaya binigay na lang namin yung best namin. Pagkatapos nun, nung ina-announce na yung mga panalo nagulat kami kase hindi namin inaakala na kami ang mananalo! Wohooo XD














Pagkatapos niyan? NAG SIMULA NG MAG SALO-SALO ANG SIENA! Wala ng grupo-grupo (well merong iba pero onti lang) Lahat nag tatawanan kapag may mag jo-joke. Kapag may tutugtog ng gitara mag kakantahan lahat.. BASTA ANG SAYA!! :)) Nung may mga bagong contest ulit..
*Song chuchu* PARAISO
Eto! Eto yung pinakapaborito kong contest!!! HAHA. Kase tungkol sa sayaw. Cramming kami niyan!! 1 week or less lang kami nag practice kase nakalimutan namin na may ganyan pa pala. Lintek na christmas vacation kasi yan eh. Hahaha. kaya todo effort kami sa steps pati na din sa props. Well siyempre kinabahan nanaman kami kase mas maraming magagaling sumayaw sa ibang section. Pero buti na lang talaga.. malawak ang imagination ng iba sa mga siena. Buti na lang talaga!! Kung hindi nga-nga kami bro. Hahaha XD. Pangalawa kaming nag perform sa tatlong section. Nandiyan nanaman si kaba. Hindi na natanggal-tanggal miski nung sumasayaw kami x) pero nakakatuwa kase kahit papaano wala masyadong nag kamali tska lahat nka SMILEEEE :D hehe. Pagkatapos mag perform ng buong high school. In-announce na yung mga nanalo at..


NAG WAGI NANAMAN ANG SIENAA!!! Hay. Sobrang saya, kase unexpected yung mga panalo namin. Yung hindi kayo yung kapag may naiisip na steps yun na agad basta maayos. Tas kayo pa yung mananalo. Dibaaa. Ang sarap sa feeling ng nananalo (hindi naman sa nag mamayabang) :)) hehe. So yun. Kinabukasan kainan. Mga gahaman sa pagkain yung iba eh XD lol.. Naging happy family na kami pag katapos. We treated everyone like their are our brothers and sistahs!! Kahit nung una eh, strangers pa kami.. ngayon kilala na namin ang isa't-isa. OHA! Take that. Lol :)))
-
Kami yung section na hindi  nahihiya na ipakita yung ka-weirdohan tska ka-cornyhan namin sa classroom. Grabe lang. Mamimiss ko yung mga kantahan sa classroom, lalong-lalo na yung Harlem Shake natin!! Hahahaha. Bakit ba kung kelan tapos na yung school year tska tayo nag bond ng ganun? Pansinnn. Anyway mamimiss ko kayo!! *air hugs* I-enjoy ang summer ha! Love you guys!!! >:)<



ST. CATHERINE OF SIENA 2012-2013
Mrs. Ligaya T. Ogania



*bitin yung blog ko, ok sorry :(*











You May Also Like

0 comments